Apparently, there are some activities going on to affect Aparri up to Alcala Cagayan. The "Dredging" project got a provincial public hearing held on October 27, 2010 and again on November 3, 2010.
Lalloqueno Tagapagmasid wrote:
ANG ISDA AY NAHUHULI SA SARILI NIYANG BIBIG: Ang tunay na intension ng panukalang “DREDGING” ng Cagayan River
(Isang Komentaryo ni Bombo Rogie Sending sa kaniyang Programang Bombo Hanay Bigtime sa Bombo Radyo Tuguegarao 891Khz October 28, 2010, 7:30-9:30AM)
-------
Nakamasid at masusing minamatyagan na naman ng mamamayang Cagayano ang tindig ng bawat Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ngayon at muling nakahapag sa kanilang harapan ang isa na namang aplikasyon nang pagmimina ng itim na buhangin (BLACK MAGNETIZED SAND o BMS) sa Dakilang Ilog Cagayan na ikinukubli sa isang katanggap-tanggap na pabalat o balatkayo : DREDGING.
Bakit tahasan ko sinasabi na pagmimina ng BSM ang tunay na pakay ng Dae Yeon Corporation, isang Filipino-Korean Company, na may aplikasyon ngayon sa Pamahalaang Panlalawigan para i-dredge umano ang Cagayan River mula Aparri paakyat ng Alcala?
Bakit ayaw ko na paniwalaan ang sinasabi ni Atty. Ramon Tumaru at isang Atty. Cabatan, mga kumakatawan sa nasabing korporasyon, na pagmamahal sa Lalawigan nating Cagayan ang nagtulak sa kanila na i-dredge ang Ilog Cagayan ng “LIBRE”, basta’t ang kapalit ay ilalabas nila ng bansa ang lahat ng mahahalukay na buhangin at iwan ang basura nito?
Bakit hanggang sa ngayon ay pinagdududahan ko ang tunay na intension ng korporasyong ito at kung sino o anu mang grupo ang nasa likuran nito na dredging ang kanilang pakay?
Hayaan niyong ilatag ko ang ilang punto na kahit sinong mamamayang Cagayano ay magsasabing sobra na itong pang-iinsulto sa kakayahang sumuri ni Apo Cagayano nang tunay na pakay ng mga mapanlinlang at nagbabalat-kayong mapagmalasakit na Cagayano.
Una, sa simula’t simula pa lamang ay kwetunable na ang kapabilidad at katayuan ng korporasyong ito.
Katunayan, sa huli nilang pagharap sa pagdinig ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan noong Oktubre 27, 2010 ay wala naman silang bitbit na datos kung paano nila gagawin ang sinasabi nilang dredging operations.
Iyon na ang pangatlong pagkakataon na humarap sila sa Sangguniang Panlalawigan subalit walang kongkreto at detalyadong datos kaugnay sa kanilang kapabilidad pinansyal at kakayahang teknikal na gawin ang kanilang panukala.
Isinasangkalan pa ang kawalan ng kuryente bunsod ng Bagyong Juan kaya hindi raw sila nakapaghanda.
Tanging ang bitbit ay ang draft ng Memorandum of Agreement na panday nila at ang gusto ay pag-usapan na ang nilalaman nito kahit blangko pa ang lahat sa tunay na kakayahan ng korporasyong ito.
Binibigyan diin natin na wala pa ni isang karanasan sa dredging operations ang nasabing kumpanya.
Pangalawa, kaduda-duda ang pagkatao ng mga personalidad na kumakatawan sa korporasyong ito.
Sino si Atty. Ramon Tumaru? Hindi ba at kapatid ito ni Aparri Mayor Ismael Tumaru na binabatikos ngayon ng Simbahan at ilang sektor sa kaniyang bayan dahil sa pagpayag nito sa pagmimina ng BSM sa kanilang lugar?
Sino itong Atty. Cabatan? Bakit hindi niya masagot ang mga katanungan ng mga Board Members at lagi na lamang ang isinasagot ay “I will refer the matter to the board”?
Bakit ganoon na lamang katapang silang humarap sa Sangguniang Panlalawigan na laway lamang ang bitbit gayong ang sabi nila daan-daang milyong pisong halaga ng operasyon ang kanilang isasagawa?
Bakit tila bara-bara kung umasta ang mga ito? Hindi kaya ang nasa isip nila ay “moro-moro” na lamang ang pagdinig sa Sangguniang Panlalawigan dahil nakatimbre na ito sa taas at ang dulo nito ay ma-aaprubahan din?
Aba, sobra yatang pang-iinsulto na ito? Hindi ba naiinsulto ang bawat kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na tila hindi man lamang binibigyan ng respeto ng mga taong ito?
At pangatlo, huling-huli mismo si Atty. Cabatan sa pahayag nito na ang tunay na intension ng kanilang korporasyon ay ang minahin ang BMS ng Cagayan River.
Mismong si Board Member Atty. Romeo Garcia ng Unang Distrito ng Cagayan ang naka-tumbok sa tila hindi na nakayanang pagsisinungaling ng nasabing abogado kaya nagbanta ang nabanggit na Bokal na haharangin niya ang aplikasyon kung pagmimina ang intension.
Ayon kay Atty. Cabatan, kinatawan ng Dae Yeon Corporation, mayroon sila (Dae Yeon) na pending na exploration permit sa Mines and Geosciences Bureau o MGB para sa pagmimina ng BMS sa higit 500-ektarya na bahagi ng Cagayan River.
Ayon pa sa nasabing abogado, HINDI NAAPRUBAHAN ANG KANILANG EXPLORATION PERMIT SA MGB KAYA SILA NGAYON NAG-AAPLAY SA PROVINCIAL GOVERNMENT AT NAG-IBA NG “TONO” KUNG SAAN “DREDGING” NGAYON ANG KANILANG APLIKASYON KASI MARAMI ANG TUMUTUTOL SA BLACK SAND MINING.
Mga minamahal kong Apo Cagayano at mga kababayan, HULI ANG ISDA SA SARILING BIBIG! Malinaw pa sa sikat ng araw at bistado ang kanilang tunay na pakay at intension. Ang pagmimina ng blacksand sa higit 500-ektaryang bahagi ng Ilog Cagayan at hindi dredging na kanilang tono.
Tama si Board Member Romeo Garcia, sa kaniyang tinuran na haharangin niya ang pag-apruba sa nasabing aplikasyon dahil ang tila-intensyon ay i-detour o paiikliin ang pagkatakam nila sa black sand ng Cagayan River na gagamitin pa ang Provincial Government sa pakay nilang pagmimina dahil hindi pa sila nakakakuha ng permiso sa MGB kaya ngayon nagbabalatkayo sila na i-dredge ang ilog natin ng libre kuno.
Walang duda na dapat i-dredge ang Cagayan River dahil sa sobra ng siltation nito, subalit ipagkakatiwala mo ba sa loob ng 25-taon ang gawaing yan sa isang kumpanya na sa simula ay kaduda-duda na ang pakay at bistadong ang hangarin ay minahin lamang ang black sand ng Ilog Cagayan.
Sa mga kagalang-galang nating mga Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ipagpapatuloy niyo pa ba ang pagdinig sa aplikasyong ito gayong huli na sa sariling bibig ang mga pakay ng korporasyong ito?
Hindi ba ang dapat gawin ay tahasan ng ibasura ang aplikasyon na iyan.
Huwag naman sanang muling gawing isang entablado ang kagalang-galang na August Hall ng Provincial Board sa napakalinaw na ‘sarwelang” ito.
Minamahal kong Apo Cagayano at mga kababayan… higit tayong dapat maging mapagbantay sa mga panahong ito.
Ipabatid natin sa mga halal nating opisyal na kumakatawan sa atin sa Provincial Board na tayo ay masusing nakamasid at nakabantay sa kanilang tindig sa isyung ito.
Huwag nating hayaang patuloy na niluluray an gating mga likas na yaman para lamang magtampisaw sa sanlaksa-laksang salaping nagpapabundat sa bulsa ng iilan at hayaang masakripisyo ang mamamayang Cagayano.
Huwag naman. Huwag naman.
hey, this blog is great!
ReplyDeletesaw it on facebook and im glad you guys are doing this. im from aparri, born there, grew up there and studied until high school. i dont stay there anymore but im still very much an aparriano. my parents still stay there and of course my relatives and i still go home regularly. its unfortunate to see that the aparri i knew when i was a kid is so different from the aparri that we have now. no more fish, no more crabs, no more of the provincial things that we used to have. andthe supply of fish comes from manila, what kind of irony is that? we live in a place surrounded by bodies of water but we dont fish for our people? what do we have? jollibee? is that a sign of progress or a distorted sense of development? now you can hear news of drugs, corruption even down to the barangay level, people marking their own private areas inthe river for crab cultivation, and black sand mining?
i know i also am to be blamed for this situation because im not doing anything to prevent it. and thats why my conscience bothers me. im doing school projects about other people's environmental conservation initiatives but im not doing anything about the plight of aparri or in this case, the entire cagayan. but i dont know how to start. so im glad we have something like this.
kudos to the admin!
p.s. what do you think about anonymous comments? there might be others who are non-google users but would love to say somethng about this :)
I find this blog very informative. Matagal ko na naririnig ang tungkol dito sa black sand mining issue but I never thought it is this serious. It's been a while since I went home. I hope masolutionan ito.
ReplyDelete@BM Atty. Romeo S. Garcia
Kudos to you for standing for our people.
I know I voted the right person since the start.