Welcome Aparrianos!

This is for all aparrianos (or those who care for Aparri) who are ready to blog!

Should you wish to join as a Power User, please send me your email address at aparrianos at gmail dot com. (please change "at" to "@" and "dot" to "."). Power user will be able to initiate blogs. There are a limited number of users this blog is allowed to take. First come , first serve.

Keep blogging...and as we always try to...

LIVE simply and fully,
SPEAK kindly and truthfully,
CARE generously and freely,
LOVE sincerely and deeply

Wednesday, February 10, 2010

TAMAYO para sa SENADO!

Mga mahal kong Kababayan:

Ako po si Reginald “Regie” Balisi TAMAYO ng Aparri, Cagayan tumatakbong SENADOR sa ilalim ng Ang Kapatiran Party.

Kagaya po ninyo ay pangarap ko ang mamuhay sa isang ligtas, makatarungan, at maunlad na bansa. Subalit hindi ito matatamo kung hindi tayo magkaisa at isulong ang nararapat na pagbabago. Simulan natin ito sa ating tamang pagpili sa mga kumakandidato sa ngayon. Iboto natin ang may plataporma, ang may malasakit sa bayan, ang makakalikasan, at ang may takot sa Diyos.

Ngayong halalan, manindigan tayo sa tama. Huwag nating balewalain ang ating prinsipyo. Ito ang paraan para maitama natin ang katiwalian sa bayan, ang pagsasamantala at pagmamalabis ng mga ilang namumuno sa atin. Gawin nating layunin ito sa buhay, tanda na mahal natin ang ating bayan.

Palaging sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayo rin ay pag-asa ng bayan dahil tayo ang naghahanda ng bayan na kanilang kinamumulatan. Bigyang pag-asa ang kabataan na mamuhay sa bayang ikakarangal nila.

Malawak ang karanasan ko sa lokal na pamahalaan at may sapat na edukasyon. Bitbit ko ang mga pangaral ng aking mga magulang, mga turo’t gabay ng aking simbahan, higit lalo ang mga pangarap ninyo para sa ating bayan. Ito ang magiging inspirasyon ko na malingkod sa inyo bilang Senador na walang bahid na pagsisinungaling at panloloko.

Tulungan po ninyo ako at hindi ko po kayo bibiguin. Tama na tayo ay mangarap! Tama na tayo ay mag-kaisa at magkabigkis-bigkis at isulong ang tama para sa bayan!

Salamat po at nawa’y pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

Gumagalang,

Reginald “Regie” Balisi TAMAYO
Para SENADOR
Ang Kapatiran Party
0916-2513562/0928-2886878
http://reginaldtamayo.blogspot.com
reginaldtamayo@yahoo.com

- AB Philosophy, UP Diliman 1985
- MA Education, Lyceum of Aparri
- MBA, Lyceum of Aparri
- 6-term Municipal Councilor of Aparri, Cagayan
- Executive Assistant IV, Office of the Vice Governor
- Former Dean, Liberal Arts, Lyceum of Aparri
- Former Dean, Student Affairs, Lyceum of Aparri
- Special Assistant to the Executive Vice President, Lyceum of Aparri
- Lecturer, Graduate School, Cagayan State University
- Deputy Grand Knight, Knights of Columbus Aparri Council 4366
- Chancellor, Knights of Columbus Aparri Council 4366
- Prex Member
- Marriage Encounter Member
- President, Pugad Lawin Philippines, Seabreeze Base Call Sign “Java”
- Faculty President, Lyceum of Aparri
- Outstanding Councilor of Cagayan Awardee - given by Philippines Councilors League Cagayan Chapter
- Freelance Journalist
- Columnist, Northern Forum (Tuguegarao City), Guru Press (Tabuk City)
- Author, Barangay First, Empowering the Sangguniang Kabataan
- 45 years old, married to Lalaine Jarabe-Tamayo, with 4 children Regina, Reiner, Riazel, and Ricci

No comments:

Post a Comment